Accents
Malas
(Maikling Kasaysayan ng Filosopong Gubat)
Part 2
I yield my space to Irineo Perez Goce who writes under the pseudonym Leonidas Agbayani. A distinguished member of the Worldwide Filipino Alliance (WFA) group, Mr. Goce had held key government posts prior to his retirement in 1991. He is a strong advocate for the use of the National Language in government communications and in schools as a medium of instruction. Think through the depth of his ideas and idealism as he weaves a tapestry of Philippine history in our own sariling wika — strands of sadness, hard luck, and broken promises interwoven in one man’s love of country and people.
Ka Pule, as he is known to us in the WFA, had served under different presidents. Knowledgeable that he was in the inner workings of the government, he laments at the shortcomings of their administrations. In this short history of our country, from Lapulapu to the presidency of Gloria Macapagal-Arroyo, it’s all MALAS — misfortunes, twists of cruel fate, chances of having a great country slipping from the puny grasp of the Filipino.
With the election of a new president, Noynoy Aquino, will the chance for the good life be finally attained by the huge masses of our people? Ka Pule asks this question: Mamasdan pa kaya natin ang bukang-liwayway?
We are all stakeholders in the fate of the beloved homeland—you and I, everyone of us—it is within our power to usher the dawn so that Inang Bayan will not be MALAS anymore. As the optimists like to tell us, hope springs eternal in the human heart. Read on:
* * *
Anim na mga Pangulo ang nahalal upang mangasiwa sa bansa mulang 1947 hanggang 1972, sa ilalim ng sistemang demokratiko. Sila ay sina Pangulong Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos Garcia, Diosdado Macapagal at Ferdinand Marcos.
Ang mga ekonomista ay tumatanaw pabalik sa mga dekadang 50s at 60s na wari’y pinakamahusay na panahon sa ekonomiya ng Pilipinas, na nakahigit pa sa ekonomiya ng ibang mga bansa sa Asia. Ang nostalhiya’y walang saysay, walang batayang pagkagiliw sa nakaraan.
Ang agwat ng mayaman at dukha ay nanatiling malaki rin. Ang mayaman at panggitnang antas ay nanatiling 30%, 70% ang mababang-antas na mga maralita at dukha. Tayo nuon ay 27 milyon. Ang US$1 ay P4 ang katumbas.
Nung huling 60s, ang mga komunistang Maoist na pinamunuan ni Kumander Dante ay
nagsumikap na ibagsak ang pamahalaan. Ang gatong sa sunog ay dinagdagan ni Marcos sa paglikha ng multong komunista. Karahasan at kaguluhan ang namayani sa mga lansangan. Ang kabataan ay nagsipag-aklas!
Ang Batas Martial ay idineklara nung Setyembre 21, 1972 at naging Diktador si Marcos.
Ang kalayaang magtipon-tipon at magpahayag ay lumipad sa mga durungawan. Kasunod niyon ang mga taon ng abusong diktatoryal, kapitalismo ng mga kasapakat, nakagapos ang malayang paghahanap-buhay, malapit nang pagkagiba ng ekonomiya at demoralisadong panggitnang antas. Ang agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap ay namalaging 30% ang mayaman, at 70% ang mahihirap. Pareho rin pala ang sitwasyon.
Ang populasyon natin ay umakyat na sa 40 milyon. Ang antas ng palitan ay P7 sa US$1. Kawawang kawawa! Malas na malas!
Nung 1983, si Ninoy Aquino, ang mahigpit na kalaban ni Marcos sa pulitika, ay pinaslang sa kanyang pagbabalik buhat sa US.A. Ang tulak ay lumubha. Nanawagan si Cardinal Sin sa madla na magsipagprotesta. Poot, habag-sa-sarile, kahalayan at galit ay nag-umapaw at umalingasaw na waring daluyong, at humantong sa Lakas Katauhang Pag-aaklas.
Ang malubha at nagmamatigas na si Marcos ay tumalilis, inilikas ng mga Marinong Kano, sa pagmamaniobra ng C.I.A., idinaan sa Clark, at sa halip na dalhin sa Paoay na kanyang hiniling, ay doon itinuloy sa Hawaii, kung saan idinitini hanggang kamatayan.
Ang umano ay milyun-milyong ninakaw na dolyares na hindi natitinag ay hindi pa rin naresolba...hanggang ngayon.. Umabot na ang palitan ng Peso sa Dolyar — US$1 = P20.00.
Nguni’t ang Lakas-Mamamayan ang ating matingkad na tagumpay!
Hinangaan tayo ng buong daigdig sa mala-santong katapangan, sa mataas-na-antas ng pakikilaban, at walang danak-dugong solusyon sa pagkapatalsik ng diktador.
Nagsi-tagay sa atin ang lahat na bansang mapagmahal sa kalayaan, tiningala ng lahat na mga taong ina-api. At nung 1986, iniluklok natin si Cory Aquino, ang balo ni Ninoy, sa Malacañang.
Siya’y uliran, matapat at lipos ng mabubuting layunin para sa bansa. Nguni’t anong nangyari sa ilalim ni Cory? Matindi ang kutob ni Ka Pule2 na siya’y sinikreto ng mga galamay ng C.I.A. na nagsabi: “Magpipilit umuwi si Ninoy. Malamang ay ipapatay siya. Kung ano man ang mangyari ay huwag ka na lamang mag-usig. Ipagwalang-bahala ang mga magaganap, at ikaw ang itatanghal naming kapalit ni Marcos.” Di ba ganun ipaliwanag kung bakit, sa buong panahon na si Tita Cory ang Pangulo ng bansa, eh hinadlangan niyang lahat ang kay Senador Blas F. Ople na pagsisikap na ipaimbestigahang muli upang mahalungkay ang tunay na utak sa pagkapaslang kay Ninoy?
Nguni’t ano ang sumunod?
Isang walang-wakas na brownout at mamuhay na may portable generator ay siyang dapat, at monopolizado ng mga kaanak ni Cory, na ibinalibag ang kanyang Kagawaran sa Enerhiya at ipina-anod sa Ilog Pasig.
Ang reporma sa lupa na kanyang ipinamarali ay mahusay sa simula,
nguni’t nung nabatid na ang kanyang Hacienda Luisita ay lubhang maa-apektohan, ang programang iyon ay ipina-anod na rin sa Ilog Pasig! Hindi nakapagtataka na ang ilog na iyon ay maruming lubha.
Nagkaroon pa ng mga tangkang coups ni Honasan, agawan sa poder, kaguluhan sa pulitika, at mga awayan-sa-loob at agawan sa mga pakikinabangang kurakot ay nakapusyaw sa bagitong pamumuno ni Cory. Kaya, wala ring angyari. Walang pag-unlad na naganap. Ang ekonomiya’y nanatiling pangit. Ang mga pobre ay lalong naghirap.
Tunay ngang naibalik nating tumindig ang demokrasya. Nguni’t ang kapusukan ng Pilipino ay hindi nawalang-saysay. Ang Lakas ng Bayan pala ay lakas “ningas cogon.”
Sayang na sayang!
Ang agwat ng mayaman at mahirap ay nanatili: 30% (panggitnang antas at mayaman); at 70% (mababang antas at mga pobre sa lungsod at kanayunan).
Ang palitan sa salapi ay US$1 ang P25.00. Tayo nuon ay 55 milyon ang populasyon.
Nung 1992, ang manok ni Cory ay si Fidel Ramos, West Pointer, sundalo, at bayani ng People Power ang nagwagi sa pagka-Pangulo. Taglay niya ang tikas, ang kaisahang-isip at pananaw na ihatid ang bansa sa estadong tigreng ekonomiya. Si Ramos ay teribleng tagapagbenta ng Pilipinas sa daigdig.
Naipatanaw niya ang klima ng sandigang ekonomiya. Inalis niya ang mga balakid sa pag-unlad. Alagad siya ng pagsasa-pribado. Ang kanyang dasal ay konting gobyerno, higit ang sektor ng pribado! Tinumbok ni Fidel ang tumpak na nota, at ang ekonomiya ay gumulong. Ninais ni Fidel na tumakbo para muling mahalal, nguni’t bigo siyang ipa-iral ang cha-cha (mala-ulol na bansag sa Charter-Constitutional Change) upang siya’y makatakbong muli sa pagka-Pangulo.
Nung 1997, tumambad ang krisis sa kabuhayang Asia, na ibinunsod ng pagka-sabog ng lobo sa sobrang kapangahasan sa ekonomiyang Bangkok. Ang kabiguang pinansyal ay lumikha ng makawasak na mga epekto sa mga institusyong pamumuhunan sa Maynila, Jakarta, Kuala Lumpur, Hong Kong, Seoul, at Taiwan. Ang lahat na mga naimpok ni Ramos ay naiga sa manipis na hangin. Malas na naman!
Ang pobre, lalung-lalo si Mang Pandoy, ay lalong nagdalita keysa dati.
Ang 1998 ay panahon ng pagtatanghal! Ang Erap para sa mahirap na palabas ay sinimulan sa pagka-inis ng Makati Business Club. Pasensya na po kayo, mga elitista. Ang Demokrasya ay isa ring kababalaghan. Ang pinili ng masa ay dapat ding igalang.
Sakuna! Si Chavit Singson ay nagpasabog ng mga bombang jueteng!
Maghamaghapon, ang bansang masakit na ang sikmura, ay matiyagang sumusubaybay sa panonood ng kahindikhindik na mga drama ng mga panunuhol, pagsusugal, paglalasing, pambababae, pandaraya, at korapsyon. Isang may hugis-lamparang panga at isang sexing “asset” paniniktik ang nagpasasa sa likmuan ng saksi. At ‘di mo mai-alis ang paningin mo sa kanila!
Ang mga abogadong prosekyusyon — ay nagpalabas ng kanilang mga saksi at tagapagtanggol, ang ilan ay may ngiting-aso, kalimitan ay ininsulto ang aming katalinuhan. (Lokohin n’yo ang lelang n’yo). Ang buong bansa ay umaalingasaw ang baho sa mataas na mga langit.
Ang taga-usig ay iniharap ang kanyang mga saksi — sina Clarissa Ocampo, Emma Lim, Carmencita Itchon at maraming iba pa — maringal na may himig matingkad ang katalinuhan.
Waring wala ring puso at makapal ang balat. Hindi nila ma-arok ang tibok ng puso ng bansa.
Si Cardinal Sin, gurang na at nasasaktin pa, ay tinawag muli ang bayan. Iyon ang People Power II! Sina (Angelo) Reyes at (Eddie) Villanueva ay nakilahok din sa maraming tao sa EDSA. Ngayon ay wala nang jets buhat sa Clark.
Sa labas na si Erap! Pasok si Gloria!
Ang Panguluhan ay binalikan ng kanyang dangal at katanyagan. Ang Protocol ay pinairal. Ang kawalang-saysay ay naparam. Ang tumpak na pananalita sa Ingles ay nagbalik.
Ngayon ang unang ginoo ay dapat sanang pinangalanang Ginoong Pakyao, nasa kanya ang monopoliya ng katiwalian sa likod ni Gloria. Ang mga sinanay ng C.I.A. para ipadalang mga mercenaryo sa Afghanistan, na hindi natuloy, ay nalulong na lamang sa pangingidnap at terorismo, at nag-ani ng katanyagang pandaigdig.
Ang malalaking mga pagawaan ay nagsipagpinid. Libulibong manggagawa ang nasisante. Ang halaga ng pagkain at gasolina ay lalong tumaas. (Nag P80/kilo ng galunggong!) Ang mga lansangan ay naging palagiang tambakan ng basura. Ang mga uod ay nag-umapaw at nagkakalat ng karamdaman. Umaalingasaw ang amoy sa paligid.
Sa muli, ang buong bansa ay nakasaksi ng nakakaduwal na mga krimen na ipinapataw sa mga namamahala sa gobyerno. Talo na naman!
Tayo ngayon ay 75ng milyon na, nguni’t ang agwat ng mayayaman, 30% (panggitna at mayaman), 70% (ang mababang uri at pobreng taga-bukid) ay nanatiling pareho rin nung isang siglong nagdaan. Kailan kaya ito magwawakas? Mahigit nang 350ng taon simulang nagtagumpay si Lapu-Lapu, 100 makaraang nag-martir si Rizal nguni’t tayo’y wala pa rin sa pagiging bansa! Malas pa rin!
May nagmamaalam na nagsabing ang Pilipino’y may kulturang wasak! Kahibangan! Anong masasabi niya sa ibang mga dayuhan? Gumamit sila ng mga alipin sa kanilang mga taniman, at nangamkam din ng lupa sa mga katutubo!
Anong masasabi natin sa kanilang kultura? Kulturang mangangamkam? Kulturang mananakot? Paano ang isa pang bansa? Ilang mga bansa ang isinailalim ng kanilang mga kanyon, nang sa ganun ay maipaghahambog nilang “hindi lumulubog ang araw sa kanilang imperyo?” Anong masasabi natin sa kulturang ganito? Kulturang Sahib? Kulturang Gunga Din? Sige naman, Paluwagan mo kami!
Tayong mga Pilipino’y may mga katangian at kagiliw-giliw na lakas. Tayo’y mga Kristyano, may takot sa Diyos, at maibigin sa kapayapaan. Tayo’y matiisin at mapagbigay (kahi’t api na!). Mahilig tayo sa musika. Inaawitan nating papalayo ang ating mga kabiguan. Angkin natin ang pagka-masayahin. (lumilikha at tine-txt natin ang mga kawikaang Imelda, at nga erapsyon ni Erap. Mabilis tayong matuto dahil dalawa ang ating wika at mataas ang inaral. Libu-libo ang ating MBA’s at PhD’s sa ekonomya at pamamanihala mula sa AIM, WHARTON, HARVARD, ULCA, atbp (karamihan sa kanila ay nangingibayong bansa).
Labis-labis ang ating mga teknokrats para ibangon ang bansa. Nais nating maglingkod kung merong mga mapapasukan. Nais nating magnegosyo kung meron tayong kapital. Gusto nating sumunod sa batas kung ang batas ay ipinatutupad. Gusto nating dito mabuhay at mamatay, kung merong kapayapaan at kaayusan.
Nguni’t, nguni’t, at nguni’t. Marami tayong mga kakulangan. Hilaw pa tayo sa mga pulitika. Papiliin kung sino ang iboboto: isang gwapong artista sa puting tabing, o sa isang matapat at matalinong siyentipiko sa pulitika; pipiliin pa nating botohan ang artista!
Walang mautak sa atin dito. Talo! Marami tayong mga kaululan. Tulad ng mga aso, umiihi tayo (Bawal umihi dito) sa mga pader at gulong. Ang pagmamaneho natin ay waring parumamay. Ang antas ng ating paglilingkod ay mababa. Arogante ang mga kawani sa City Hall. Ang mga dispatsadora sa department stores ay ignorante sa katangian ng kanilang mga produkto. Walang sauli Walang balik bagaman may kapintasan, ikaw’y makikipagtalo pa.
Ang mga turista ay minumolestya ng mga bugoy na naka-uniporme. Nagpapain ng mga patibong ang pulis para hulihin kayo at manghingi ng suhol. Ano’ng mali sa atin? Wala tayong dakilang pinuno. At mahusay na pamamahala.
(Sa Singapore, ginawa iyon ni Lee Kwan Yu. Ang anyo ng pinamahalaan ay kahawig din ng mga Pilipino). Katanggap-tanggap na imposible ang bansang ito, nakababagot, at nakaka-inis. Nguni’t ito lang ang bansa natin. Dito tayo nabubuhay at namamatay. Mamasdan pa kaya natin ang bukang-liwayway?
Dios na mahabagin, Kaylan pa kaya? Ubos na ang aming luha. Katog na ang aming mga tuhod. Tuyot na ang aming utak. Hingal na ang aming puso. Dios na mahabagin, isalba Mo po kami. Hindi po kami talunan. At lalo pong hindi kami tanga. Sunod-sunod lang po ang malas.
NOTE:
Dati’y Kastila, Amerikano, Intsik, Hapon; at ngayon, may Koreano pa.
Mahabaging Diyos, Nasaan Ka PINOY???”
(Email: lagoc@hargray.com)