Bona fide TEXT
Filipino, Wika ng Bawat Pilipino
In my sixth column, I'll will pave way and give honor to our national language, Filipino. Sometimes, we fortuitously neglect the importance of our national language. In whatever reasons, we tend to take no notice of how one language works in one nation. This month of August, we will celebrate the Buwan ng Wika with the theme, "Maraming wika, matatag na bansa."
Allow me to write my thoughts (in Filipino of course) about the significance of having one language that binds us as one nation.
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan.
Samakatuwid, ang wika ay nagbibigay diin sa kapaligiran at kultura ng isang bansa. Sa ikapitong kabanata ng El Filibusterismo na akda ng ating pambansang bayaning si Gat Jose Rizal na "bawat bayan ay may sarili niyang wika, sarili niyang kaugalian at damdamin."
Ang pagsilang ng wika ay nagibibigay buhay sa sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang kanilang kaisipan.
Sa ating bansa, ang wikang pambansa ay itinadhanang tawaging Filipino na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1986 Konstitusyon. Ayon dito, "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino."
Ang pagkakaroon natin ng wikang pambansa ay dumaan sa maraming yugto ng panahon. Nariyang nakisalamuha natin ang wikang Kastila, Ingles at Tsino. Maraming taon ang ating hinintay upang ganap nating makamit ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Bigyan din nating halaga ang mga taong nagbigay pugay upang makamit natin ang wikang pambansa na siyang tinatamasa natin ngayon. Ggaya na lang ni Rizal at higit kay Pangulong Manuel L. Quezon, na siya namang tinagurian nating Ama ng Wikang Pambansa. Siya’y nagtagumpay sa pagsusumikap na magkaroon ang bansang ito ng sariling wikang pambansa – ang Filipino.
Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.
At sa kabila ng pagkakaroon ng wikang pambansa hindi natin maitatanggi na maraming wika ang ating bansa. Walo ang opisyal opisyan nating wika at umaabot sa 68 ang ibang wikang ginagamit ng maliliit na grupong etniko. Ang wikang kung tawagin ay bernakular na ginagamit upang lubos na maunawaan ang kaisipan at damdamin. Dito sa Visayas, mangilan-ngilan rin ang wikang bernakular na ginagamit sa pang-araw-araw tulad ng Hiligaynon kabilang na ang Ilonggo, Akeanon, Karay-a at iba pa. Nagpapatunay lamang ito na mayaman ang Pilipinas sa paggamit ng wika bagkus, nananaig pa rin ang wikang Filipino.
Ang patuloy na pag-aaral at pagkatuto ng wikang Ingles ay kailangan rin at mahalagang matutuhan. Sa kasulukuyan, ito ang wikang pandaigdig ng kalakalan. Kailangan nating makibagay sa pandaigdigang mundo ng panlipunan, pampulitika at pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Ingles bilang kasangkapan. Sa kabila nito, nananaig pa rin ang wikang Filipino sa bawat puso ng bawat mamamayang Pilipino. 'Ika nga ng isang dalubwika, "Walang tatamis pa sa kanyang sariling wika."
Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa. At bilang bayan, hindi tayo nagkakaroon ng higit na kamalayan kung walang wikang panlahat. Samakatuwid, ang wikang Filipino ang siyang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ating sariwain ang linya sa tula ni Rizal na pinamagatang Sa Aking Mga Kababata:
"Ang hindi magmahal sa kanyang wika
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Ng tulad sa iang tunay na nagpala."
Ang Filipino ay higit nating palawakin at payabungin tungo sa intelekwalisasyon upang patuloy nating kaagapay sa pag-unlad ng bansa at maging epektibong kasangkapan sa pagkakaunawaan ng bawat mamamayang Pilipino.
One national language, Filipino, one country, Philippines; be proud, be one!
For comments and suggestions: Email @ Franzylu@hotmail.com or text @ 09196013499