RATIONAL INSANITY
By Bryan Mari Argos
Two poems
Two weeks ago,when I delivered my talk on creative writing,one of the teachers present presented me with two interesting poems. I asked her if i could publish her poems unedited and uncritiqued so that those who are familiar with the craft could share their comments. Here are the two poems open for your comments.
Ang Dambuhalang Linganay ng Panay
libo-libong mga pangalan ang nakasulat sa ngalangala nitong dambuhalang linganay;
ang iba'y panas na't natabunan ng mga mas bago pang pangalan na minsa'y may hart sa pagitan ng 'inday at belong',o ng 'belong at belong',o ng 'inday at inday'.
maluwag akong nakakatindog sa loob ng tutunlan nitong dambuhalang linganay.
Tahimik kong pinagmamasdan ang gahod ng mga sulat kamay na tila'y nagasugilanon ng nasaksihang mga labing nagpalitan ng laway sa lilim ng linganay at ng mga kamay
na naghikaplos sa dambuhalang titi nito na siyang tanging kumakamot sa gasgas na't kumakating
lalamuna't ngalangala nitong dambuhalang linganay.
Isang Pag-isturyahanay
narito tayo't nagpapalitan
ng kuro-kuro
tungkol kay Ninoy,Roxas,at iba pang mga bayani't pangulong papel.
narito't nakaupo sa kilid ng kalsada nagpapalitan ng titig
na biglang isinusubsob sa konkreta tuwing sinasampal ng hedlayt ng naga-agi na sasakyan.
narito't maglalakad na ng sabay,
pinipigilang magpalitan ng kiri ng hawak at pilantik ng kamalingking
at nang sa kalauna'y tiyak na matutuloy ang pagpapalitan
ng mga tinagang hitik
sa hinga't hingal
at ugayong.
Send your comments to crabland2002@yahoo.com. Be rational;be insane. . .every once in a while!TTFN! Byers!I love you all guys!