Accents
Malas
(Maikling Kasaysayan ng Filosopong Gubat)
I yield my space to Irineo Perez Goce who writes under the pseudonym Leonidas Agbayani. A distinguished member of the Worldwide Filipino Alliance (WFA) group, Mr. Goce had held key government posts prior to his retirement in 1991. He is a strong advocate for the use of the National Language in government and in schools. Think through the depth of his ideas and idealism as he weaves a tapestry of Philippine history in our own sariling wika — hues of sadness, hard luck, and broken promises interwoven in one man’s love of country and people.
Ka Pule, as he is known to us in the WFA, had served under different presidents. Knowledgable that he was in the inner workings of the government, he laments at the shortcomings of their administrations. In this short history of our country, from Lapulapu to the presidency of Gloria Macapagal-Arroyo, venerable Mang Irineo avers it’s all MALAS — misfortunes, twists of cruel fate, chances of having a great country slipping from the puny grasp of the Filipino.
With the election of a new president, Noynoy Aquino, will the chance for the good life be finally attained by the huge masses of our people? Ka Pule asks this question: Mamasdan pa kaya natin ang bukang-liwayway?
We are all stakeholders in the great Philippine enterprise—you and I, everyone of us—it is within our power to usher the dawn so that Inang Bayan will not be MALAS anymore. As the optimists like to tell us, hope springs eternal in the human heart. Read on:
* * *
Maikling Kasaysayan “Kung Bakit” Ang PILIPINAS ay Napaka-MALAS
Itong maikling kasaysayan ng Pilipinas, sa salaysay ng filosopong-gubat, ay pwedeng siyang lalong malapit sa katotohanan tungkol sa ating lugaming Inang Bayan. ANONG malaking pangyayari nung napatay ni Lapu-Lapu si Magallanes (1521)? Wala naman, talaga. Nung panahon ni Lapu-Lapu, ang Maktan ay isa lamang tribo.
Talagang mumuntik pa lang ang mga kaisipan. Wala pang malalaking ideya gaya ng nasyonalismo at pangdaigdigang pulitika. Si Lapu-Lapu ay isa lamang siga-sigang lokal at si Magallanes ay Kanluraning nagulantang sa kultura, isang baguhan sa matulaing-silangan.
Pinatanyag natin si Lapu-Lapu na isang bayani at makabansa. Ang totoo, siga-siga lang si Lapu-Lapu. Nguni’t ang pagkagapi niya sa isang dayuhang mananakop ay hindi nakabuo ng isang bansang Pilipino. Kung kaya, ang alaala niya’y ating sinasagisag sa isang sentimo na aluminyo (one-centavo aluminum coin), na hindi maka-antig na pulutin ng mga magalarong bata sa lansangan.
Ang kapanahunan ay mali.
At huwag din nating paniwalaan ang kabulastugang ang mga Kastilang nagsipaglayag ay naghahanap lamang ng rekadong Silangan upang pasarapin ang lasa ng matabang nilang pagkain.
Ang nakatagong layunin ay palawakin ang kanilang kaharian (ng magka-ribal na España at Portugal, na pinaghati ang daigdig sa kanila nung isang Papa — sino nga ba yun?) nung panahong iyon, paraan sa pananakop — ang pinagandang salita sa pangangamkam ng mga lupain. Kinasangkapan pa ang magkatambal na sandatang krusispiho at espada upang gawing pag-aari ng mga korporasyon ng simbahang Katolico ang mga pinagtigisan ng pawis at dugo ng mga katutubo.
Sa 333ng taon na pagka-sakop ng Kastila (1565-1898), mahigit pang 100 pag-aaklas laban sa España ng mapusok na mga katutubo, o indiong manghihimagsik sa maraming bahagi ng kapuluan. Ni isa’y walang nagtagumpay. Ang ating mga rebelde, kung hindi nangadakip, binitay, o niwalang-bahala na lamang (ng Kumandante), na nanggugulo sa katahimikan. Puro malas!
Ang pagka-patay kay Rizal ay isang mapait na karanasan ng mga Pilipino. Matapos na siya’y bitayin ay pataksil pang ipina-ako sa kanya ng kaparian ang karumal-dumal na anila’y liham ng pagbawi — o “kalatas ng retraksyon” — alalaong baga ay itinatwa ng bayani ang lahat niyang mga sinulat o ipinahayag laban sa simbahang Katoliko, na sinulat kuno at nilagdaan niya ilang oras bago siya binitay. Nguni’t sa masusing mga pananaliksik nina Prof. Ildefonso T. Runes at Mamerto M. Buenafe ay natuklasang ang kay Rizal na liham ng “retraksyon” ay huwad — kagagawan lamang ng mga paring nag-anyong mga diablong umuukilkil sa bayani na magbalik-loob siya sa simbahan, bago siya bitayin. Na kanya namang ipinagwalang- bahala!
Panahon na marahil — upang mapaghilom ang matinding sugat sa kamalayan ng mga kabayanang Pilipino — na aminin ng simbahan ang pagkakamali nito; kabalantay ng pagkatanggap ng Vaticano sa kamaliang pagkapahirap/ -bilanggo kay Galileo nung unang panahon, sa pagkasabi nitong huli na ang daigdig ay bilog — kataliwas sa itinuturo ng simbahan na patag, o lapad, ang ating mundo.
Silang mga nag-basa ng kay Rizal na Noli at Fili ay pinag-alab ng mga pang-aabuso ng simbahan at pamahalaang Kastila. Sumilakbo ang mga damdamin, mulang Aparri hanggang Jolo. Ang masang kritikal na kailangan sa pagbuo ng pagka-bansa ay nabuo. Nagumapaw ang poot at uhaw sa katarungan sa buong kapuluan! Sa wakas, makapag-aaklas tayo bilang isang bansa, isang bayan. Si Rizal na isang bilanggo ay ipinatapon sa Dapitan.
At si Andres Bonifacio, isang ulila na matiyagang nakapag-aral sa sariling sikap at mga pagbabasa ng kasaysayan — tulad ng Rebolusyon sa Francia — ay itinatag ang Katipunan (KKK–Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng Mga Anak ng Bayan) — limang araw matapos na ipinatapon si Rizal.
Isinagawa ng Katipunan ang mala-bayaning pakikidigma; nung una’y pinangunahan ng mapusok na si Bonifacio, at sa dakong huli’y ng tusong si Aguinaldo. Sa sunud-sunod na mga pagsalakay ng Katipunan (Sugod mga Kapatid), ang kalayaan ay waring makakamit!
Sa pagitan ng 1897 at 1899, ang panakaw at pag-iimbot, pataksil at pandaraya ay nang-demonyo sa inaasahan nating paglaya. Kasakiman at mga kataksilan ang namagitan sa pamunuan ng Katipunan. Ang mga kabig nina Aguinaldo at Bonifacio ay nagtagis sa karumaldumal na away pang-loob (utak-talangka) na nagwakas sa pagka-papatay kina magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio, sa Bundok ng Buntis, Maragondong, Cavite.
Samantala, ang Amerkanong si Admiral Dewey ay pumasok sa Lawa ng Maynila at nilupig ang nanghina nang Armada nabal ng España. At nangyari pa rin — sa sulsol ni Dewey at pangako-sa-laway na ang Pilipinas ay tutulungang maging malaya — si Aguinaldo ay ‘di tumupad sa Pakto ng Biak-na-Bato. Ipinagpatuloy niya ang rebolusyon sa pagka-proklama ng Kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, nung Hunyo 12, 1896.
Lumaya kanino? Saklaw pa tayo ng Kastila at ng mga Amerikano nung panahong iyon.
Samantala, ang mga Kastila at Amerikano ay nagsgawa ng labanang “moro-moro” sa Intramuros, na ang pamahalaang España ay sumuko. Naisahan tayo. Ang republika ni Aguinaldo at ang makabayan niyang KKK ay initsa-pwera at binale-wala. Minalas na naman!
Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Matatangkad na mga kawal Amerikano, tulad ni Clark Gable ay tinugis ang mga mandirigmang Pilipino, na nagwakas sa pagka-sakote kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Bunga iyon ng kataksilan ng mga Macabebeng mercenaryo.
Iyon ang ikalawang pagkakanulo ng mga Macabebe sa kanilang mga kadugo, una sa mga Kastila. Iyon ang inahin ng lahat na mga kamalasan..!
Nung panahong iyon, ang ating populasyon ay 8-milyon. Ang agwat ng mayaman at mahirap ay tinatayang 30% ang mayayaman at pang-gitnang uri, at 70% ang mababang-uri at mga pobreng taga-bukid. Nung sumunod na panahon ng Commonwealth (1901-1941) ay napakaraming natutunang mga simulain ng demokrasya, maging ang kaanyuan nito at pamamahala.
Isinagawa ang mga pagsasalin ng Teknolohiya, Edukasyong Publiko, Kalusugan, Pahatiran, Kalakalan ng Mga Bansa at Industriyalisasyon.
Ang kinalabasan ay mahusay magturo ang mga Kano. Nahumaling ang Pinoy sa mga produktong tatak Amerikano tulad ng karne-norteng Libby’s at sardinas na Portola, Hershey’s Kisses at Wrigley’s chewing gum, sigarilyong Camel at Model T-Ford para sa mga hacienderos ng Pampanga at Iloilo.
Nag pantasya ang kalalakihang Pinoy kina Jean Harlowe, Betty Grable, at Mae West sa mga pelikulang Hollywood. Sa ganun, nagsimula na ang kaisipang kolonyal ng Pinoy.
Magiliw nating tinawag ang yugtong iyon na Pis Taym.
Nga pala, nagmasaker ang mga kawal Amerikano — uton ni Hen. Smith — sa mga walang muwang na mamamayan sa Balangiga, Samar. Mga hayop din pala; waring sila ang naging idolo ng mga Ampatuans, mga demonyo rin sila!
Sakunang 1941! Ika-II Digmaang Pandaigdig!
Pagkatapos salakayin ang Pearl Harbor, ang hukbong Hapon ay nilusob ang ating bansa, at nilupig ang magkatambal na sandatahang Kano at Pilipino (USAFFE).
Si HeneHeneral McArthur, ang mayabang at bohemyong hepe ng Hukbo, ay tumalilis patungong USA, nagdaan sa Australia nung kasagsagan ng digma. At ang mga Pinoy sa Bataan na bihag-ng-digma ay Nagmartsang Kamatayan patungong Capas, Tarlac.
Sa apat na kalunus-lunos na mga taon nagdusa tayo sa kahayupan ng pananakop ng mga sakang na kawal Hapones. Pagpapahirap, kagutom at kamatayan ang sa atin, araw-araw. Kawawa. Malas na malas!
Bumalik nung 1945 ang pwersa ng Amerika upang “palayain” kuno (o sakuping muli) ang bansa.
Si McArthur, Heneral na mataasin, naka-Ray Ban sunglasses, at kwako ay may kahambugang bumalik sa Maynila. Inis sa pagka-hamak sa kanya nung 1941, iniutos ni McArthur ang pagbomba/kanyon at pagdurog sa Maynila hanggang magbalik ang kaharian sa araw ng paghuhukom! Para lang makaganti siya sa mga sakang na gumiba sa kanyang lugar ng R&R sa Asia. Malas na naman!
Ang kalawakan sa Timog ng Ilog Pasig — mulang Post Office hanggang Vito Cruz, kasama ang buong Intramuros — ay pinulbos. Ang Maynila ay siyang pinaka-wasak na lungsod nung Ika-IIng Digmaang Pandaigdig pangalawa sa Tokyo.
Ang ating kultura, mga pamana at kayamanang kasaysayan (pitong magagandang mga simbahan sa Intramuros at daan-daang maalindog na Art Deco at makabagong klasikang arkitektura sa Paco) ay walang patumanggang isinakripisyo at puspusang pinawi sa ibabaw ng lupa. Sayang na sayang!
Nung 1946, nakamtan natin ang Kalayaan sa mga Amerikano. Malaya na tayong bansa sa wakas! Tunay nga kaya na tayo ay MALAYA NA?
Sa ganang kay Ka Pule2 ay hindi pa! Habang nananatili ang wikang Ingles na lengwahe sa pamamahala ng Gobyerno at pagtuturo sa mga paaralan, ang bansa natin ay nananatiling wala pa ring kalayaan! Saklaw pa rin tayo at nananatiling sakop pa rin ng Estados Unidos!
May nagsasabing ang tunay nating Araw ng Kalayaan ay Hulyo 4, 1946; at hindi Hunyo 12 na ipinroklama ni Aguinaldo, ipinahayag ni Macapagal, at patuluyang ginunita nina Marcos at ng iba pang sumunod na namuno sa bansa.
May sapat tayong karanasan at natutunan kung paano mamahala sa demokratikong bansa, unang-una sa Asia. Ang populasyon natin nuon ay 17ng milyon. Ang palitan ng salapi ay P2.00 sa US$1.00. Nguni’t wala pa ring kapayapaan mulang 1947 hanggang 1972. Isang malawakang rebelyon na pinangunahan ni Luis Taruc, at magkapatid na Lava, at ng kanilang mga armadong mandirigma na Hukbalahap (ibig sabihin ay Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon) ay naglunsad ng madugong pakikilaban sa mga tropa ng gobyerno at lumabas na mga bandido lamang na nagbabalat-kayo. Mga Pilipino’y pumapatay ng kapuwa Pilipino. Malas na malas na naman!
(To be continued)
(Email: lagoc@hargray.com)