Accents
Pricking the conscience (2)
Let me start this intro in Filipino, our national language: No-ong linggong lumipas, kinonsyensya tayo ng isang Koreano tungkol sa pagkakulang natin sa pagmamahal sa ating bayan bilang isang Pilipino. Ngayong linggo, isa namang pag-kokonsyensya ang palagi na lang natatanggap ko sa "e-mail" at i-papasa ko sa inyo para i-tanong sa sarili kung kayo ba ang Pinoy na tinutukoy dito.
In 1995, when I went with the hubby to Singapore, the first thing that caught my attention was the cleanliness of the country as well as the greenness of the environment, and I remarked to Rudy, "Here are people who really care for their country."
In South Carolina, USA, when granddaughter Danika and I would walk the dog, we carried with us biodegradable green bags for picking up the pet dog's waste thus leaving the street or a neighbor's lawn unsullied. The bags were then knotted tight and deposited in the bin intended for compost. We could do the same over here in our barangays or subdivisions—pick up the waste matter with recycled plastic shopping bags that the garbage collector will gather for landfill. Don't leave the dog's refuse to litter the streets or people's yards. Respect somebody's premises and they'll respect yours. Just a minor way to show how respect begets respect.
Back in the grades, we used to swear after the flag-raising to "obey the rules of my school, heed the counsel of my parents, and perform the duties of a law-abiding citizen." Do we? Do you? Let's ask ourselves this simple question: Is the pedestrian lane too far away that we just have to jaywalk? Who is the Pinoy who throws his cigarette butt (or other basura) every which way? Ask yourself if Noypits ka ba?
* * *
Noypits ka ba?
Sabi MO, ang gobyerno natin ay palpak. Sabi MO, ang mga batas natin ay sinauna. Sabi MO, ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar. Sabi MO, hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO, parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa. Sabi Mo, sabi MO, sabi MO. E ano'ng ginagawa mo tungkol dito? Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore . Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO. Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO. Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo. Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye. Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass. Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi. Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant. Sa Singapore, wala KAng sinasabi, meron ba?
Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai. Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah. Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.
Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?" Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo? Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto? Pinag-uusapan pa rin natin IKAW. IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar. IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.
Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa Pilipinas? Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?" Sa America, bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan. Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.
Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad. Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay. Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan. Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.
Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo. Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.
Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?" E sino ang magbabago ng sistema? Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW at AKO.
Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala. O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema.
Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino. Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya.
Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni John F. Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino: "Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon." Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.
Ipasa ito sa lahat ng Pilipino.
(E-mail: lagoc@hargray.com)