Accents
Smiles, tears, and laughter of our lives
Smiles, tears, and laughter make up the composite of our lives especially evident on All Saints’ Day and All Souls’ Day, and a day or two previous. A fond smile, a tear-drop or eyes misty as we read again and again the writings on the tomb. Smiles, tears, and laughter—all too human aspects alternating, sometimes blending, as we remember kins across the Great Divide.
In loving remembrance, we commemorate our dear departed in ways truly Pinoy.
First, checking and buying the ingredients for the special “kalag-kalag” preparations, if these were not already purchased days before. Cook the favorites of the dear ones who had passed away, and set morsels beside the glowing candle on the altar. To attract the spirit of the departed and for them to help themselves with. Ludicrous? I had known some old folks who hang on to the thought. While this remains a practice in some households, my own parents who passed away years ago didn’t believe so.
Being here in the U.S. of A., I will miss the “kalag-kalag” delicacies back home. I will miss the guinatan, palutaw, and suman. And the ibus and muasi ordered from the itinerant vendor who does them best. I will miss the reunion in the cemetery, continued in the house of my sisters where a mini-fiesta it’s going to be, where the antics of the dear departed are retold with laughter and love and yummy bites.
Already, I missed the Luksang Bayan/Parangal for Martyrs last Oct. 18. Gush, how I miss the company of friends, both the living and the dead—those who still have the breath of life in them to continue the work of the dead who had sacrificed their lives in the struggle toward a better life for our people.
Already, I’m missing my brother Ronnie who, this year, journeyed to that undiscovered country where no traveler ever returns. And for two weeks now, I miss the smiling photo of fellow columnist Dr. Henry F. Funtecha, who now enjoys eternal peace and quiet. I share his family’s loss. His memory will live in the many articles he wrote and in the lessons he imparted to his students. (My children had subjects under Prof. Funtecha at UPV.)
And now, here’s a read for All Souls’ Day, a balikabayan tale sent by my friend Dr. Delia Aguilar. Grotesque it is, yet zings with humor in the same way that it evokes pity, sadness and compassion—feelings aroused by many a heartrending story of workers from the Third World torn from home.
* * *
“Padala galing America” — you will laugh & cry !
An oldie but still a goodie
Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.
Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy and isang anak, “Ay, naku! Tingnan mo ‘yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay.” Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:
Mahal kong tatay at mga kapatid;
Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod... Nasa likod ni nanay ang dalawampu’t apat na karne-norte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo. Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana’y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa irst birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta. Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin.
Isuot nyo sa party. May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa ‘yung mga pamangkin ko at ‘yung isa ay kay Pareng Tulume. Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, dikong, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay. Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid,isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan. Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay. May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng 759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon. Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, ditse, ay suot suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter Jay bakla sa kanto.
Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante
bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo. Isang Ray Ban ladies sunglass na pabirthday ko kay Ninang Berta, hindi ko na pinasuot kay nanay. Isiniksik ko na lang sa may banding ulunan ni nanay. Nasa pink na plastik na maliit. Mga Chanel at Champion na medyas, suot suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko. Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels... yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami-rami rin iyon. Parte-parte rin kayo. Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer, ilang vienna sausage na de lata, barbie dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoons and forks, paper at styrofoam plates, perfume, cologne, ballpens, stationeries, envelopes, bar soaps, match box toys, used t-shirts, hand towels, CD. VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp. Na hindi ko na na itemize dahil nagmamadali ako at graveyard shift ako ngayon.
Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.
Nagmamahal,
Bebeng
P.S. Pakibihisan ninyo agad si Nanay! Sa takip pala ng kabaong sa may paanan, tis-tisin niyo ang tahi ng pulang sinulid at may isinisik akong mga nail polish at nipper para kay Mareng Ana sa ibayo. May mga tuwalyang puti. Iyong markang Days Inn para kay kuya, Holiday Inn kay ditse, Econolodge kay ate, La Quinta kay dikong, yung Mandalay Bay para kay itay. Mag-iipon na lang uli ako pag punta namin sa Las Vegas.
* * *
As the subhead states, “You’ll laugh and cry.” Empathize with Bebeng for her overflowing concern. Cry for the Pinoy deprived of the small luxuries of life. Laugh at the painstaking fuss accompanied by love that knows no bounds.
(Email: lagoc@hargray.com)